Job 14:4
Sinong magdadala ng mga bagay na malinis mula sa mga bagay na marumi? Walang sinuman.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Who can bring a clean thing out of an unclean? not one.
In Context
3Tumitingin ka ba alinman sa mga ito? Dinadala mo ba ako sa paghatol kasama mo?
Cross References
Genesis 5:3Nang nabuhay si Adan ng 130 taon, siya ay naging ama ng isang anak na lalaki na ayon sa kanyang sariling wangis, sunod sa kanyang larawan, at pinangalanan niya itong Set.
Job 25:4Kung gayon, paano magiging matuwid ang tao sa Diyos? Paano ba magiging malinis, katanggap-tanggap sa kaniya, siya na ipinanganak ng isang babae?
Psalms 51:7Dalisayin mo ako ng isopo, at ako ay magiging malinis; hugasan mo ako at magiging mas maputi ako kaysa niyebe.
Luke 1:35Sumagot ang anghel at sinabi sa kaniya, “Ang Banal na Espirito ay darating sa iyo, at ang kapangyarihan ng Kataas-taasan ay mapapasaiyo. Kaya ang banal na isisilang, ay tatawaging Anak ng Diyos.
Romans 5:12Kung gayon, sa pamamagitan ng isang tao pumasok ang kasalanan sa sanlibutan, sa ganitong kapamaraanan pumasok ang kamatayan dahil sa kasalanan. At lumaganap ang kamatayan sa sangkatauhan, dahil nagkasala ang lahat.
Ephesians 2:3Tayong lahat ay minsan ding naging katulad ng mga hindi mananampalataya. Gumagawa tayo ayon sa mga masasamang nasa ng ating laman. Ginagawa natin ang kagustuhan ng laman at ng isip. Likas tayong mga anak ng poot katulad ng iba.