Job 19:21
Maawa kayo sa akin, maawa kayo sa akin, mga kaibigan ko, dahil hinawakan ako ng kamay ng Diyos. Bakit ninyo ako inaapi na parang kayo ang Diyos?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Have pity upon me, have pity upon me, O ye my friends; for the hand of God hath touched me.
In Context
20Nakakapit ang mga buto ko sa aking balat at laman; buto't balat na lamang ang natitira sa akin.
22Bakit hindi pa kayo nasisiyahan sa pag-ubos ng laman ko?
Cross References
Ruth 1:13kung gayon maghihintay pa ba kayo hanggang lumaki sila? Maghihintay pa ba kayo at hindi magpapakasal sa mga lalaki ngayon? Huwag, mga anak ko! Ito ay higit na magpapahirap sa akin kaysa magpapahirap sa inyo, dahil bumaling laban sa akin ang kamay ni Yahweh.
Job 2:5Pero subukan mong iunat ang iyong kamay at galawin ang kaniyang mga buto at katawan, tingnan mo kung hindi ka niya isumpa nang harapan.”
Job 6:4Dahil ang mga palaso ng Makapangyarihan ay nakaabang sa akin, ang aking espiritu ay iniinom ang lason; ang mga kaparusahan ng Diyos ay nagsunod-sunod laban sa akin.
Psalms 38:2Dahil tumatagos sa akin ang iyong mga palaso at ibinabagsak ako ng iyong kamay.
Romans 12:15Makipaggalak kayo sa mga nagagalak; makipagtangis kayo sa mga tumatangis.
Hebrews 13:3Alalahanin ninyo ang mga nasa bilangguan, na parang kayo ay kasama rin nila doon at ang inyong mga katawan ay pinagmamalupitan ng kagaya nila.