Job 2:13
Saka sila umupo sa tabi ni Job sa loob ng pitong araw at pitong gabi, wala ni isa sa kanila ang nangahas magsalita sa kaniya, dahil nakita nila ang sobrang hirap ni Job.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 1:5Tinawag ng Diyos ang liwanag na “araw,” at ang kadiliman ay tinawag niyang “gabi”. Naggabi at nag-umaga, ito ang unang araw.
Genesis 50:10Nang sila ay dumating sa giikan ni Atad na nasa kabilang dako ng Jordan, sila ay nagluksa ng napakatindi at napakalungkot na pagdadalamhati. Doon si Jose ay nagluksa ng pitong araw para sa kanyang ama.
Nehemiah 1:4At nang marinig ko ang mga salitang ito, ako ay umupo at umiyak, at ilang araw akong patuloy na nagdalamhati at nag-ayuno at nanalangin sa harap ng Diyos ng langit.
Psalms 77:4Binuksan mo ang aking mga mata; labis akong nabahala para magsalita.
Isaiah 47:1Bumaba ka at umupo ka sa alikabok, birheng anak na babae ng Babilonia; maupo ka sa lupa nang walang trono, anak na babae ng mga taga-Caldea. Hindi ka na magiging kaakit-akit at kahali-halina.
Ezekiel 3:15Kaya pumunta ako sa mga bihag sa Tel Abib na nakatira sa tabi ng Ilog Kebar, at nananatili ako roon sa loob ng pitong araw, punong-puno ako ng pagkamangha kasama nila.