Job 2:12
Nang tumanaw sila sa kalayuan, hindi nila agad nakilala si Job, napahiyaw sila at humagulgol sa iyak; pinunit ng bawat isa ang kani-kaniyang damit, nagsaboy ng abo sa hangin at sa kanilang mga ulo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 27:34Nang marinig ni Esau ang mga salita ng kanyang ama, siya ay umiyak nang napakalakas at umiyak ng may kapaitan, sinabi sa kanyang ama, “Ako rin, pagpalain mo ako, ama ko.”
Judges 2:4Nang sinabi ng anghel ni Yahweh ang mga salitang ito sa lahat ng bayan ng Israel, sumigaw at nanangis ang mga tao.
1 Samuel 11:4Dumating ang mga sugo sa Gibea, kung saan nakatira si Saul, at sinabi nila sa mga tao kung ano ang nangyari. Umiyak nang malakas ang lahat ng tao.
2 Samuel 13:36Kaya nangyari na pagkatapos na pagkatapos niyang magsalita dumating ang mga anak na lalaki ng hari at tumaas ang kanilang mga boses at umiyak. At ang hari at lahat ng kaniyang mga lingkod ay lubhang umiyak.
Nehemiah 9:1Ngayon sa ika-dalawampu't-apat na araw ng parehong na buwan, ang bayan ng Israel ay nagpulong at sila ay nag-ayuno, at nagsuot sila ng telang sako, at naglagay ng alikabok sa kanilang mga ulo.
Job 1:20Napatayo si Job, pinunit ang kaniyang damit, inahit ang kaniyang buhok, nagpatirapa sa lupa at sinamba ang Diyos.”