Job 27:23
Ipinapalakpak nito ang kaniyang mga kamay sa kaniya sa pangungutya; sinasagitsit siya nito mula sa kaniyang lugar.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Men shall clap their hands at him, and shall hiss him out of his place.
In Context
22Binabayo siya nito nang walang humpay; sinisikap niyang tumakas mula sa mga kamay nito.
Cross References
Esther 9:22Ito ang mga araw na nakakuha ng kaginhawaan ang mga Judio mula sa kanilang mga kaaway, at ang panahon kung kailan ang kanilang pighati ay napalitan ng kagalakan, at mula sa pagluluksa naging isang araw ng pangilin. Gagawin nila ang mga iyon na araw ng kapistahan at pagsasaya, at ng pagpapadala ng mga regalong pagkain sa isa't-isa at mga regalo para sa mahirap.
Proverbs 11:10Kapag ang mga gumagawa ng tama ay sumasagana, ang isang lungsod ay nagdiriwang; kapag ang masama ay namatay; ay may mga sigaw ng kagalakan.
Lamentations 2:15Ipinapalakpak ng lahat ng mga dumadaan ang kanilang kamay sa inyo. Sumusutsot sila at iniiling ang kanilang mga ulo laban sa anak na babae ng Jerusalem at sinasabi, “'Ito ba ang lungsod na tinatawag nilang 'Ang Kasakdalan ng Kagandahan,' 'Ang Kagalakan ng buong Lupa?”'
Nahum 3:19Walang maaaring kagalingan para sa iyong mga sugat. Malala ang iyong mga sugat. Lahat ng makakarinig ng balita tungkol sa iyo ay ipapalakpak ang kanilang mga kamay sa kagalakan dahil sa iyo. Sino ang makatatakas sa iyong patuloy na kasamaan?
Revelation 18:20“Magalak kayo sa kaniya, kalangitan, kayong mga mananampalataya, mga apostol at mga propeta, dahil dinala ng Diyos ang inyong hatol sa kaniya!”