Proverbs 11:10
Kapag ang mga gumagawa ng tama ay sumasagana, ang isang lungsod ay nagdiriwang; kapag ang masama ay namatay; ay may mga sigaw ng kagalakan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 5:31Kaya nawa'y mamatay ang lahat inyong kaaway, Yahweh! Pero hayaan ang umibig sa kaniya na maging katulad ng araw kapag sumikat ito sa kaniyang lakas.” At may kapayapaan sa lupain sa loob ng apatnapung taon.
2 Chronicles 23:13At tumingin siya, at masdan, ang hari ay nakatayo sa kaniyang haligi sa pasukan, at nasa tabi ng hari ang mga pinuno at mga taga-ihip ng trumpeta. Nagsasaya at umiihip ng mga trumpeta ang lahat ng tao sa lupain at ang mga mang-aawit ay tumutugtog ng mga instrumentong pangmusika at nangunguna sa pagkanta ng papuri. At pinunit ni Atalia ang kaniyang damit at sumigaw, “Pagtataksil! Pagtataksil!”
Esther 8:15Pagkatapos umalis si Mordecai sa presensya ng hari na nakasuot ng maharlikang damit na bughaw at puti, na may malaking gintong korona at kulay-ubeng balabal ng pinong lino. At sumigaw at nagsaya ang siyudad ng Susa.
Psalms 58:10Ang matuwid ay magagalak kapag nakita niya ang paghihiganti ng Diyos; huhugasan niya ang kaniyang mga paa sa dugo ng mga masasama,
Proverbs 28:28Kapag nagtagumpay ang mga masasamang tao, itinatago ng mga tao ang kanilang mga sarili, kung masusugpo ang masasamang tao, dadami ang gumagawa ng tama.
Revelation 19:1Pagkatapos ng mga bagay na ito narinig ko ang tunog tulad ng isang malakas na tinig ng malaking bilang ng mga tao sa langit na sinasabing, “Aleluya. Kaligtasan, kaluwalhatian, at kapangyarihan ay kabilang para sa ating Diyos.