Job 29:7
Nang lumabas ako patungo sa tarangkahan ng lungsod, nang naupo ako sa aking lugar sa plasa,
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
When I went out to the gate through the city, when I prepared my seat in the street!
In Context
6nang ang aking landas ay umaapaw sa gatas, at ibinubuhos sa akin ng bato ang mga batis ng langis!
Cross References
Genesis 19:1Dumating ang dalawang anghel sa Sodoma sa gabi, habang nakaupo si Lot sa tarangkahan ng Sodoma. Nakita sila ni Lot, tumayo siya upang salubungin sila, at nagpatirapa na nakasayad ang mukha sa lupa.
Deuteronomy 16:18Dapat gumawa kayo ng mga hukom at mga opisiyal sa loob ng lahat ng inyong mga tarangkahan ng lungsod na ibibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos; sila ay kukunin mula sa bawat mga lipi ninyo, at dapat sila ay humatol sa mga tao ng may matuwid na paghatol.
Ruth 4:1Ngayon umakyat si Boaz sa tarangkahan at umupo roon. Maya-maya, dumaan ang malapit na kamag-anak na nabanggit ni Boaz. Sinabi ni Boaz sa kaniya, “Aking kaibigan, lumapit ka at maupo rito.” Lumapit ang lalaki at umupo.
Job 31:21kung iniamba ko ang aking kamay laban sa mga taong walang ama dahil nakita ko ang pagsuporta para sa akin sa tarangkahan ng lungsod —
Zechariah 8:16Ito ang mga bagay na dapat ninyong gawin: Magsabi ang bawat tao ng katotohanan sa kaniyang kapwa. Humatol nang may katotohanan, katarungan, at kapayapaan sa inyong mga tarangkahan.