Job 31:39
kung kinain ko ang ani nito nang hindi ito binabayaran o naging dahilan na mamatay ang mga may-ari nito,
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 21:13Dumating ang dalawang lalaki at umupo sa harapan ni Nabot; tumestigo sila laban kay Nabot sa presensya ng mga tao, na nagsasabing, “Isinumpa ni Nabot ang Diyos at ang hari.” Pagkatapos siya ay nilabas nila sa lungsod at pinagbabato hangggang siya ay mamatay.
Proverbs 1:19Ganoon din ang mga paraan ng lahat na nagtamo ng kayaman sa pamamagitan ng hindi makatarungan; ang hindi makatuwirang pagtamo ay nag-aalis ng buhay sa mga kumakapit dito.
Jeremiah 22:13Aba sa sinuman na magpapatayo ng kaniyang tahanan sa paraan na hindi makatuwiran at ang kaniyang mga silid sa itaas na hindi makatarungan; sapagkat pinagawa niya sa ibang manggagawa, ngunit hindi niya sila binayaran.
Ezekiel 22:12Kumukuha ang mga kalalakihang ito ang mga suhol sa iyo upang magpadanak ng dugo. Kinuha ninyo ang tubo at labis na kinita, sinira mo ang iyong kapwa sa pamamagitan ng panggigipit, at kinalimutan mo ako—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.