Job 35:9
Dahil sa maraming pang-aapi, umiiyak ang mga tao; tumawag sila ng tulong mula sa kamay ng mga malalakas na tao.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 3:7Sinabi ni Yahweh, “Tunay na nakita ko ang pagdurusa ng aking bayan na nasa Ehipto. Narinig ko ang kanilang pagsigaw dahil sa kanilang mahihigpit na tagapangasiwa, dahil alam ko ang tungkol sa kanilang pagdurusa.
Nehemiah 5:1Pagkatapos, ang mga lalaki at ang kanilang mga asawa ay dumaing nang napakalakas laban sa kanilang mga kapwa Judio.
Job 24:12Dumadaing ang mga tao sa lungsod, umiiyak ang mga sugatan, pero hindi pinapansin ng Diyos ang kanilang mga panalangin.
Job 40:9Mayroon ka bang bisig na katulad ng sa Diyos? Kaya mo bang magpakulog sa boses na katulad ng sa kaniya?
Psalms 12:5“Dahil sa karahasan laban sa mahirap, dahil sa mga daing ng nangangailangan, ako ay babangon,” sinasabi ni Yahweh. “Magbibigay ako ng kaligtasan na kanilang hinahangad.”
Psalms 55:2Pakinggan mo ako at ako ay iyong sagutin; wala akong kapahingahan sa aking mga kaguluhan.