Joel 1:12
Nalanta ang mga puno ng ubas at natuyo ang mga puno ng igos, ang mga puno ng granada, gayon din ang mga puno ng palma at mga puno ng mansanas— ang lahat ng puno ng bukirin ay nalanta. Sapagkat nalanta ang kagalakan mula sa mga kaapu-apuhan ng tao.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 13:23Nang dumating sila sa lambak ng Escol, pumutol sila ng isang sangang may kumpol ng ubas. Pinasan nila ito sa isang tungkod sa pagitan ng dalawa sa kanilang pangkat. Nagdala rin sila ng mga bunga ng granada at igos.
Psalms 92:12Ang mga matutuwid ay yayabong katulad ng puno ng palma; ito ay lalago katulad ng isang sedar sa Lebanon.
Song of Solomon 4:13Ang mga sanga mo ay isang kahuyan ng mga puno ng granada na may piling bunga, at ng hena at mga halamang nardo,
Isaiah 9:3Pinarami mo ang bansa, dinagdagan mo ang kanilang kagalakan; nagagalak sila sa iyo gaya nang sa anihan, gaya ng mga kalalakihan kapag pinaghahatian na nila ang nasamsam sa labanan.
Isaiah 24:11Sa bawat lansangan ay may umiiyak dahil sa alak; nagdilim ang lahat ng kagalakan, ang kasiyahan sa lupa ay naglaho.
Jeremiah 48:33Kaya ang pagdiriwang at pagsasaya ay kinuha na mula sa mga bungang-kahoy sa lupain ng Moab. Pinatigil ko na ang alak mula sa mga pigaan ng ubas. Hindi na sila yayapak ng may sigaw ng kasiyahan. Anumang sigaw ay hindi na magiging sigaw ng kasiyahan.