The Bible Software
bible.softwareJoelJoel 2 › Joel 2:12

Joel 2:12

“Gayon pa man,” sinabi ni Yahweh, “Manumbalik kayo sa akin nang buong puso. Mag-ayuno kayo, tumangis at magdalamhati.”

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

Therefore also now, saith the LORD, turn ye even to me with all your heart, and with fasting, and with weeping, and with mourning:

In Context

11Pinalakas ni Yahweh ang kaniyang tinig sa harap ng kaniyang hukbo sapagkat napakarami ng kaniyang mandirigma, sapagkat sila ay malakas, ang mga gumagawa ng kaniyang mga utos. Sapagkat ang araw ni Yahweh ay dakila at nakatatakot. Sino ang makaliligtas dito?

13Punitin ninyo ang inyong puso at hindi lamang ang inyong mga kasuotan, at manumbalik kay Yahweh na inyong Diyos. Sapagkat siya ay mapagbigay-loob at maawain, hindi madaling magalit, sagana sa pagmamahal at nais niyang tumigil sa pagbibigay ng parusa.

Read all of Joel 2

Cross References

Deuteronomy 4:29Pero mula doon hahanapin ninyo si Yahweh na inyong Diyos, at matatagpuan ninyo siya, kapag hinanap ninyo siya ng inyong buong puso at ng inyong buong kaluluwa.

Judges 20:26Pagkatapos ang lahat mga sundalo ng Israel at lahat ng mga tao ay pumunta ng Bethel at umiyak, at doon sila ay umupo sa harapan ni Yahweh at sila ay nag-ayuno sa araw na iyon hanggang gabi at nag handog ng mga handog na susunugin at mga handog pangkapayapaan sa harapan ni Yahweh.

1 Samuel 7:6Nagtipon sila sa Mizpa at sumalok ng tubig at ibinuhos ito sa harapan ni Yahweh. Nag-ayuno sila sa araw na iyon at sinabing, “Nagkasala kami laban kay Yahweh.” Doon pinagpasiyahan ni Samuel ang mga alitan ng mga tao ng Israel at pinangunahan ang mga tao.

1 Kings 8:47At ipagpalagay na kanilang napagtanto na sila ay nasa lugar kung saan sila ipinatapon, at ipagpalagay na sila ay nagsisi at humanap ng pabor sa iyo mula sa lupain ng mga humuli sa kanila. Ipagpalagay na kanilang sinabi, 'Kami ay kumilos ng hindi tama at nagkasala. Kami ay nag-asal ng masama.'

2 Chronicles 6:38Ipagpalagay na sila ay magbabalik-loob sa iyo nang buong puso nila at buong kaluluwa nila sa lupain kung saan sila binihag, kung saan sila dinala bilang mga bihag, at ipagpalagay na mananalangin sila tungo sa kanilang lupain, na ibinigay mo sa kanilang mga ninuno, at tungo sa lungsod na iyong pinili, at tungo sa tahanan na aking itinayo para sa iyong pangalan.

2 Chronicles 20:3Natakot si Jehoshafat at itinalaga niya ang kaniyang sarili upang hanapin si Yahweh. Nagpahayag siya ng pag-aayuno sa buong Juda.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Joel 2:12

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Joel 2:11Joel 2Joel 2:13 →