Joel 2:11
Pinalakas ni Yahweh ang kaniyang tinig sa harap ng kaniyang hukbo sapagkat napakarami ng kaniyang mandirigma, sapagkat sila ay malakas, ang mga gumagawa ng kaniyang mga utos. Sapagkat ang araw ni Yahweh ay dakila at nakatatakot. Sino ang makaliligtas dito?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Samuel 22:14Kumulog si Yahweh mula sa kalangitan. Sumigaw ang Kataas-taasan.
Psalms 46:6Ang mga bansa ay napoot at ang mga kaharian ay nayanig; ang tinig niya ay kaniyang itinaas, at ang lupa ay naagnas.
Isaiah 7:18Sa panahong iyon, sisipol si Yahweh para sa isang langaw mula sa malalayong batis sa Ehipto, at isang bubuyog mula sa lupain ng Asiria.
Isaiah 42:13Si Yahweh ay lalabas bilang isang mandirigma; siya ay magpapatuloy bilang isang lalaking pangdigmaan. Kaniyang ipupukaw ang kasigasigan. Siya ay sisigaw, oo, siya ay hihiyaw ng kaniyang hiyaw na pandigmaan; ipapakita niya sa kaniyang mga kaaway ang kaniyang kapangyarihan.
Jeremiah 30:7Aba! Sapagkat magiging dakila at walang katulad ang araw na ito. Ito ay magiging panahon ng pagkabalisa para kay Jacob, ngunit maliligtas siya mula rito.
Ezekiel 22:14Matatag ba ang iyong puso, malakas ba ang iyong mga kamay sa panahon na ikaw ay aking haharapin? Ako, si Yahweh, na nagpapahayag nito, at gagawin ko ito.