Joel 2:16
Tipunin ninyo ang mga tao, magpatawag kayo para sa banal na pagtitipon. Tipunin ninyo ang mga nakatatanda, ang mga bata at ang mga sanggol. Lumabas ang mga ikakasal na lalaki sa kanilang silid at ang mga babaeng ikakasal sa kanilang silid.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 19:15Sinabi niya sa mga tao, “Maging handa sa ikatlong araw; huwag kayong lalapit sa inyong mga asawa.”
Deuteronomy 29:10Nakatayo kayo ngayong araw, kayong lahat, sa harapanni Yahweh na inyong Diyos; ang mga nangunguna sa inyo, ang inyong mga lipi, ang inyong mga nakatatanda, at ang inyong mga opisiyal—lahat ng mga kalalakihan ng Israel,
Joshua 8:35Walang isang salita mula sa lahat na inutos ni Moises na hindi binasa ni Josue sa harap ng pagpupulong ng Israel, kasama ang mga kababaihan, ang maliliit na mga bata, at ang mga dayuhan na siyang nanirahan sa kanila.
2 Chronicles 20:13Lahat ng Juda ay tumayo sa harapan ni Yahweh, kasama ang kanilang mga sanggol, mga asawang babae, at mga anak.
2 Chronicles 29:23Dinala nila sa harapan ng hari at ng kapulungan ang mga lalaking kambing para sa handog sa kasalanan, ipinatong nila ang kanilang mga kamay sa mga ito.
2 Chronicles 30:19na nagtakda ng kanilang mga puso na hanapin ang Diyos, na si Yahweh, ang Diyos ng kaniyang mga ninuno, kahit na hindi siya malinis ayon sa pamantayan ng paglilinis ng banal na lugar.”