Joel 2:19
Sumagot si Yahweh sa kaniyang mga tao, “Tingnan ninyo, magpapadala ako sa inyo ng butil, bagong alak at langis. Masisiyahan kayo sa mga ito at hindi ko na kayo gagawing kahiya-hiya sa mga bansa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
18At si Yahweh ay masikap para sa kaniyang lupain at naawa sa kaniyang mga tao.
Cross References
Ruth 1:6Pagkatapos nagpasya si Naomi na umalis ng Moab kasama ang kaniyang mga manugang at bumalik sa Juda dahil narinig niya sa rehiyon ng Maob na tinulungan ni Yahweh ang kaniyang bayan na nangangailangan at binigyan sila ng pagkain.
Isaiah 65:21Magtatayo sila ng mga bahay at titirahan ang mga ito, magtatanim sila sa mga ubasan at kakainin ang mga bunga nito.
Ezekiel 34:29Sapagkat lilikha ako ng mapayapang lugar na taniman para sa kanila kaya hindi na sila mamamatay sa gutom sa lupain, at hindi na sila lalaitin pa ng mga bansa.
Ezekiel 36:29Sapagkat ililigtas ko kayo mula sa lahat ninyong karumihan. Ipatatawag ko ang butil at pararamihin ito. Hindi na ako maglalagay ng taggutom sa inyo.
Ezekiel 39:29Hindi ko na itatago ang aking mukha mula sa kanila kapag ibinuhos ko ang aking Espiritu sa sambahayan ng Israel. Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.'”
Joel 1:10Winasak ang mga bukirin at ang lupa ay nagdadalamhati. Sapagkat sinira ang butil, natuyo ang bagong alak at nabulok ang langis.