Joel 2:20
Aalisin ko ang hilagang mananalakay mula sa inyo at itataboy sila sa tuyo at pinabayaang lupain. Ang unahan ng kanilang hukbo ay pupunta sa silangang dagat at ang kanilang hulihan ay sa kanlurang dagat. Aalingasaw ang baho at masamang amoy nito. Gagawa ako ng mga dakilang bagay.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
21Huwag matakot, lupain, matuwa at magalak sapagkat gumawa si Yahweh ng mga dakilang bagay.
Cross References
Exodus 10:19Dinala ni Yahweh ang napakalakas na kanlurang hangin na dumampot sa mga balang at itinangay sila patungo sa Dagat ng mga Tambo; Wala ni isang balang ang natira sa buong lupain ng Ehipto.
2 Kings 8:13Tumugon si Hazael, “Sino ang iyong lingkod, na dapat gumawa nitong dakilang bagay? Siya ay isang aso lamang.” Sumagot si Eliseo, “Ipinakita sa akin ni Yahweh na ikaw ang maghahari sa Aram,”
Isaiah 34:3Ang mga pinatay nila ay maiiwang hindi nakalibing; ang masangsang na amoy ng kanilang mga bangkay ay nasa lahat ng dako, at ang mga bundok ay mabababad ng kanilang dugo.
Ezekiel 39:12Sa loob ng pitong buwan, ililibing sila ng sambahayan ng Israel upang dalisayin ang lupain.
Ezekiel 47:18Sa silangang bahagi, sa pagitan ng Hauran at Damasco at sa pagitan ng Gilead at sa lupain ng Israel ang magiging Ilog Jordan. Aabot hanggang sa Tamar ang hangganang ito.
Joel 2:2Ito ay araw ng kadiliman at kapanglawan, araw ng mga ulap at makapal na kadiliman. Katulad ng bukang liwayway na lumalaganap sa mga bundok, paparating ang napakarami at malakas na hukbo. Hindi pa nagkaroon ng hukbong ganito at hindi na muling magkakaroon ng katulad nito, lumipas man ang maraming henerasyon.