Joel 3:19
Magiging wasak na lugar ang Egipto at magiging napabayaang ilang ang Edom dahil sa ginawa nilang karahasan sa mga tao ng Juda, dahil nagpadanak sila ng dugo ng mga walang kasalanan sa kanilang lupain.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
20Ngunit mananahan ang Juda magpakailanman, at mananahan ang mga salinlahi ng Jerusalem.
Cross References
Isaiah 11:15Lubusang wawasakin ni Yahweh ang gulpo ng dagat ng Ehipto. Sa pamamagitan ng tuyong hangin, iwawagayway niya ang kaniyang kamay sa Ilog ng Eufrates at hahatiin ito sa pitong batis, para matawiran gamit ang mga sandalyas.
Isaiah 34:1Lumapit kayo, kayong mga bansa, at makinig; bigyang-pansin, kayong bayan! Ang lupa at lahat ng pumupuno rito ay dapat makinig, ang mundo, at lahat ng mga bagay na nanggagaling mula rito.
Jeremiah 49:17Magiging katatakutan ang Edom sa lahat ng mapapadaan dito. Ang bawat taong iyon ay manginginig at susutsot dahil sa lahat ng kapahamakan nito.
Lamentations 4:21Magalak at matuwa, anak na babae ng Edom na naninirahan sa lupain ng Uz, sapagkat dadaan din ang kopa sa iyo. Malalasing ka at huhubaran ang iyong sarili.
Ezekiel 35:1At dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,
Obadiah 1:1Ang Pangitain ni Obadias. Ito ang sinabi ng Panginoong Yahweh tungkol sa Edom: Nakarinig kami ng ulat na mula kay Yahweh, at isang kinatawan ang ipinadala sa mga bansa, na nagsasabi, “Tumindig kayo! Tayo ay tumindig laban sa kaniya para sa digmaan!”