John 1:49
Sumagot si Nathanael, “Rabi, ikaw ang Anak ng Diyos! Ikaw ang Hari ng Israel!”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Nathanael answered and saith unto him, Rabbi, thou art the Son of God; thou art the King of Israel.
In Context
Cross References
Psalms 2:6“Ako mismo ang naghirang sa aking hari sa Sion, ang aking banal na bundok.”
Isaiah 9:7Sa paglawak ng kaniyang kapamahalaan, mananatili ang kapayapaan, habang siya ay nakaluklok sa trono ni David, sakop ang kaniyang kaharian, patatatagin niya at panatilihin ito nang may katarungan at katuwiran mula ngayon at magpakailanman. Ang kasigasigan ni Yahweh ng mga hukbo ang tutupad nito.
Ezekiel 37:21At ipahayag mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Masdan! Kukunin ko ang Israelita mula sa mga bansa kung saan sila pumunta. Titipunin ko sila mula sa mga nakapalibot na mga lupain. Sapagkat dadalhin ko sila sa kanilang lupain.
Hosea 3:5Pagkatapos, manunumbalik at hahanapin ng mga tao ng Israel si Yahweh na kanilang Diyos at si David na kanilang hari. At sa huling mga araw, lalapit silang nanginginig sa harapan ni Yahweh at sa kaniyang kabutihan.
Zephaniah 3:15Inalis ni Yahweh ang iyong kaparusahan, pinalayas niya ang iyong mga kaaway! Si Yahweh ang hari ninyong mga taga-Israel. Hindi na kayo muling matatakot sa kasamaan!
Zechariah 9:9Sumigaw ka nang may labis na kagalakan, anak na babae ng Zion! Sumigaw ka nang may kasiyahan, anak na babae ng Jerusalem! Masdan ninyo! Parating sa inyo ang inyong hari nang may katuwiran at ililigtas kayo. Mapagpakumbaba at sasakay siya sa isang asno, sa anak ng isang asno.