John 10:4
Kapag nailabas na niya ang lahat nang sariling kaniya, pinangungunahan niya sila, at sumusunod sa kaniya ang mga tupa sapagkat kilala nila ang kaniyang boses.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Song of Solomon 2:8Nanjan na ang tinig ng aking minamahal! O, parating na siya rito, lumulukso sa ibabaw ng mga bundok, tumatalon sa ibabaw ng mga burol.
Micah 2:12Tiyak na titipunin ko kayong lahat, Jacob. Tiyak na titipunin ko ang mga natitirang Israelita. Dadalhin ko silang magkakasama tulad ng tupa sa isang kulungan, tulad ng isang kawan sa gitna ng kanilang pastulan. Magkakaroon ng malakas na ingay dahil sa napakaraming tao.
John 3:29Ang kasama ng ikakasal na babae ay ang ikakasal na lalaki. Ngayon ang kaibigan ng ikakasal na lalaki, na siyang nakatayo at nakikinig, ay labis ang tuwa dahil sa tinig ng ikakasal na lalaki. Ito ngang aking kagalakan ay naging ganap.
John 10:16Mayroon akong iba pang mga tupa na wala sa tupahang ito. Sila din, kailangan kong dalhin, at makikinig sila sa aking boses upang magkaroon lamang ng isang kawan at isang pastol.
John 13:15Dahil binigyan ko kayo ng halimbawa upang dapat gawin din ninyo tulad ng ginawa ko sa inyo.
John 18:37Pagkatapos, sinabi ni Pilato sa kaniya, “Ikaw nga ba ay isang hari?” Sumagot si Jesus, “Sinabi mo na ako ay hari. Ako ay ipinanganak para sa layuning ito, at para sa layuning ito ako naparito sa mundo upang ako ay magpatotoo sa katotohanan. Lahat ng kabilang sa katotohanan ay nakikinig ng aking tinig.”