John 14:23
Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya: “Kung sinuman ang magmamahal sa akin, isasagawa niya ang aking salita. Mamahalin siya ng aking Ama, at kami ay paparoon sa kaniya at gagawa kami ng aming tirahan kasama niya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 1:26Sinabi ng Diyos, “Gawin natin ang tao ayon sa ating wangis, ayon sa ating larawan. Hayaan silang mamahala sa isda sa dagat, sa mga ibon sa langit, sa mga hayop, sa buong mundo, at sa lahat ng gumagapang na bagay na gumagapang sa mundo.
Psalms 90:1Panginoon, ikaw ang aming kublihan sa mga nakalipas na mga salinlahi.
Isaiah 57:15Dahil ito ang sinasabi ng Nag-iisang mataas at matayog, na nabubuhay magpakailanman, na ang pangalan ay banal.” Namumuhay ako sa dakila at banal na lugar, kasama rin niya ang durog at mapagpakumbabang espiritu, para muling buhayin ang espiritu ng mga mabababang loob at muling buhayin ang puso ng mga nagsisisi.
John 6:56Ang kakain ng aking laman at iinom ng aking dugo ay nananatili sa akin, at ako sa kaniya.
John 14:15Kung mahal ninyo ako, susundin ninyo ang aking mga kautusan.
John 14:21Ang sinuman na mayroon ng aking mga kautusan at isinasagawa ang mga ito; siya ang nagmamahal sa akin; at siya na nagmamahal sa akin ay mamahalin ng aking Ama, at mamahalin ko rin siya, at ipakikita ko sa kaniya ang aking sarili.”