John 14:24
Ang sinumang hindi nagmamahal sa akin ay hindi isinasagawa ang aking mga salita. Ang salitang inyong naririnig ay hindi sa akin, ngunit sa Ama na nagsugo sa akin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
25Sinabi ko na sa inyo ang mga bagay na ito, habang ako ay nabubuhay pa kasama ninyo.
Cross References
Matthew 19:21Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Kung nais mong maging ganap, humayo ka at ipagbili mo ang iyong ari-arian at ibigay sa mahihirap, at magkakaroon ka ng yaman sa langit. At halika, sumunod ka sa akin.”
John 3:34Dahil ang sinumang ipinadala ng Diyos ay ipinapahayag ang mga salita ng Diyos. Dahil hindi niya ibinigay ang Espiritu sa pamamagitan ng sukat.
John 5:38Hindi nananatili ang kaniyang salita sa inyo, sapagkat hindi kayo naniniwala sa kaniyang isinugo.
John 7:28Sumisigaw si Jesus sa loob ng templo, nagtuturo at nagsasabi, “Kilala ninyo ako at alam ninyo kung saan ako nanggaling. Hindi ako pumarito sa aking sarili, ngunit ang nagsugo sa akin ay totoo at hindi niyo siya kilala.
John 8:28Sinabi ni Jesus, “Kapag itinaas na ninyo ang Anak ng Tao, saka ninyo makikilala na AKO NGA, at wala akong ginawa sa aking sarili. Ayon sa itinuro ng aking Ama, sinasabi ko ang mga bagay na ito.
John 8:42Sabi ni Jesus sa kanila, “Kung ang Diyos ang inyong Ama, mamahalin ninyo ako, sapagkat ako ay nagmula at nanggaling sa Diyos; sapagkat hindi ako naparito dahil sa aking sarili lamang, kundi isinugo niya ako.