John 19:11
Sumagot si Jesus sa kaniya, “Wala kang kapangyarihan laban sa akin maliban kung ito ay ibinigay sa iyo mula sa itaas. Kaya ang taong nagdala sa akin sa iyo ay may mas malaking kasalanan.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 9:14Sa oras na ito ipapadala ko ang lahat ng mga salot sa iyo mismo, sa iyong mga lingkod at sa iyong bayan. Gagawin ko ito para malaman mo na walang sinuman ang katulad ko dito sa buong mundo.
Psalms 39:9Nananahimik ako at hindi binubuksan ang aking bibig dahil sa iyong ginawa.
Jeremiah 27:5“Ako mismo ang gumawa ng lupa sa pamamagitan ng aking dakilang kapangyarihan at ng aking nakataas na braso. Ginawa ko rin ang mga tao at mga hayop sa lupa at ibibigay ko ito sa sinumang nararapat sa aking paningin.
Daniel 4:17Ang pasyang ito ay sa pamamagitan ng atas na iniulat ng mensahero. Ito ay pasyang ginawa ng mga banal upang malaman ng mga nabubuhay na ang Kataas-taasan ang naghahari sa mga kaharian ng mga tao at ibinibigay ang mga ito sa sinumang naisin niyang mamuno sa mga ito, maging sa mga pinakamabababang tao.'
Daniel 4:32Itataboy ka palayo mula sa mga tao, at sa parang ang iyong magiging tahanan kasama ng mga mababangis na hayop. Kakain ka ng damo tulad ng isang baka. Lilipas ang pitong taon hanggang sa kilalanin mong ang Kataas-taasan ang naghahari sa mga kaharian ng tao at ibinibigay niya ang mga ito sa sinumang naisin niya.”
Daniel 5:21Itinaboy siya mula sa mga tao, at siya ay nagkaroon ng pag-iisip ng isang hayop, at nabuhay siya na kasama ang maiilap na mga asno. Kumakain siya ng damo tulad ng baka. Nababasa ang kaniyang katawan sa hamog na mula sa kalangitan hanggang sa natutuhan niyang ang Kataas-taasang Diyos ang naghahari sa mga kaharian ng mga tao at itinatalaga niya ang sinumang nais niyang maghari sa kanila.