John 19:9
at pumasok siyang muli sa Pretorio at sinabi kay Jesus, “Saan ka nanggaling?” Subalit hindi siya binigyan ng sagot ni Jesus.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
8Nang marinig ni Pilato ang pahayag na ito, mas lalo pa siyang natakot,
Cross References
Judges 13:6Pagkatapos dumating ang babae at sinabi sa kaniyang asawa. “Nagpakita sa akin ang isang tao ng Diyos, at ang itsura ay katulad ng isang anghel ng Diyos, nagdulot siya sa akin ng labis na takot. Hindi ko tinanong kung saan siya galing, at hindi niya sinabi sa akin ang kaniyang pangalan.
Isaiah 53:7Siya ay pinahirapan; gayun man nang nagpakumbaba siya, hindi niya ibinuka ang kanyang bibig, gaya ng isang kordero na dinadala sa katayan, at gaya ng tupa na bago ito gupitan ay tahimik, kaya hindi niya ibinuka ang kanyang bibig.
Matthew 27:12Ngunit nang siya ay paratangan ng mga punong pari at mga nakatatanda, hindi siya sumagot ng kahit ano.
John 8:14Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Kahit na ako ang nagpapatotoo tungkol sa aking sarili, ang aking patotoo ay tunay. Alam ko kung saan ako nanggaling at saan ako pupunta, ngunit kayo hindi ninyo alam kung saan ako nanggaling o saan ako pupunta.
John 18:33Pagkatapos, muling pumasok si Pilato sa Pretorio at tinawag si Jesus, sinabi niya sa kaniya, “Ikaw ba ang hari ng mga Judio?”
Acts 8:32Ito ang bahagi ng kasulatan na binabasa ng taga Ethopia, “Siya ay tulad ng tupa na dinala sa bahay katayan; at tulad ng isang kordero sa harap ng manggugupit na tahimik, hindi niya binubuksan ang kaniyang bibig: