John 18:33
Pagkatapos, muling pumasok si Pilato sa Pretorio at tinawag si Jesus, sinabi niya sa kaniya, “Ikaw ba ang hari ng mga Judio?”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 9:6Dahil para sa atin, isang sanggol ang isinilang, isang anak na lalaki ang binibigay; at ang kapamahalaan ay nasa kaniyang balikat; at ang pangalang itatawag sa kaniya ay Kahanga-hangang Taga-payo, Makapangyarihang Diyos, Walang-hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.
Zephaniah 3:15Inalis ni Yahweh ang iyong kaparusahan, pinalayas niya ang iyong mga kaaway! Si Yahweh ang hari ninyong mga taga-Israel. Hindi na kayo muling matatakot sa kasamaan!
Matthew 27:11Ngayon, nakatayo si Jesus sa harap ng gobernador, at tinanong siya ng gobernador, “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?” Sumagot si Jesus sa kaniya, “Ikaw na ang nagsabi.”
Luke 19:38na sinasabi, “Pinagpala ang hari na naparito sa pangalan ng Panginoon! Kapayapaan sa langit at kaluwalhatian sa kataastaasan!”
John 1:49Sumagot si Nathanael, “Rabi, ikaw ang Anak ng Diyos! Ikaw ang Hari ng Israel!”
John 12:15“Huwag kang matakot, mga anak na babae ng Sion, tingnan, ang inyong Hari ay dumarating, nakaupo sa isang batang asno.”