John 20:12
Nakita niya ang dalawang anghel na nakaputing kasuotan na nakaupo, isa sa may ulunan, at ang isa sa may paanan, kung saan ang katawan ni Jesus ay inihiga.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 5:12Maging ang mga Levitang mga mang-aawit, lahat sila, kabilang sina Asaf, Heman, Jedutun, at ang kanilang lalaking anak at ang kanilang mga kapatid na lalaki ay nakadamit ng pinong lino at tumutugtog ng mga pompiyang, mga alpa, at mga lira, na nakatayo sa silangang dulo ng altar. Kasama nila ang 120 pari na umiihip ng mga trumpeta.
Matthew 17:2Siya ay nagbagong anyo sa kanilang harapan. Ang kaniyang mukha ay nagliwanag na katulad ng araw, at ang kaniyang mga damit ay naging puting-puti katulad ng liwanag.
Mark 16:5Pumasok sila sa libingan at nakita nila ang isang binatang nakasuot ng puting balabal, nakaupo sa gawing kanan at namangha sila.
Luke 24:22Ngunit bukod dito, pinamangha kami ng ilan sa mga kababaihang kasamahan namin, na pumunta sa libingan nang maaga.
Revelation 3:4Pero may ilang mga pangalan ng mga tao sa Sardis na hindi dinumihan ang kanilang mga damit. Lalakad silang kasama ko, nakadamit ng puti, dahil sila ay karapat-dapat.