2 Mga Cronica 5:12
Maging ang mga Levitang mga mang-aawit, lahat sila, kabilang sina Asaf, Heman, Jedutun, at ang kanilang lalaking anak at ang kanilang mga kapatid na lalaki ay nakadamit ng pinong lino at tumutugtog ng mga pompiyang, mga alpa, at mga lira, na nakatayo sa silangang dulo ng altar. Kasama nila ang 120 pari na umiihip ng mga trumpeta.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 10:1Nagsalita si Yahweh kay Moises. Sinabi niya,
1 Chronicles 6:33Ito ang mga naglingkod kasama ang kanilang mga anak na lalaki. Mula sa angkan ng mga Kohat ay si Heman na manunugtog. Kung babalikan ang nakaraang panahon, ito ang kaniyang mga lalaking ninuno: si Heman ay anak ni Joel na anak ni Samuel.
1 Chronicles 13:8Si David at ang lahat ng Israelita ay nagdiriwang sa harapan ng Diyos ng kanilang buong lakas. Sila ay umaawit na may mga instrumentong may kuwerdas, mga tamburin, mga pompiyang at mga trumpeta.
1 Chronicles 15:24Ang mga paring sina Sebanias, Joshafat, Nethanael, Amazias, Zacarias, Benaias at Eliezer ang iihip ng mga trumpeta sa harapan ng kaban ng Diyos. Si Obed-edom at Jehias ang mga tagabantay ng kaban.
1 Chronicles 16:4Nagtalaga si David ng ilang Levita upang maglingkod sa harapan ng kaban ni Yahweh, at upang magdiwang, magpasalamat at magpuri kay Yahweh, ang Diyos ng Israel.
1 Chronicles 23:5Ang apat na libo ay mga taga-bantay ng pintuan at apat na libo ang magpupuri kay Yahweh na may mga instrumento “na ginawa ko para sa pagsamba” sabi ni David.