John 20:17
Sinabi sa kaniya ni Jesus, “Huwag mo akong hawakan, dahil hindi pa ako nakakaakyat sa Ama; ngunit pumunta ka sa aking mga kapatid at sabihin sa kanila na aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Diyos at inyong Diyos”.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Kings 4:29Pagkatapos sinabi ni Eliseo kay Gehazi, “Magdamit ka para sa paglalakbay at kunin mo ang aking tungkod. Pumunta ka sa bahay niya. Kung may makakasalubong ka, huwag mo siyang batiin, at kung may babati sa iyo, huwag mo siyang sagutin. Ilagay mo ang tungkod ko sa mukha ng bata.”
Psalms 22:22Ihahayag ko ang iyong pangalan sa aking mga kapatid; sa gitna ng kapulungan ay pupurihin kita.
Psalms 48:14Dahil ang Diyos na ito ang ating Diyos magpakailanpaman; siya ang ating magiging gabay hanggang sa kamatayan.
Psalms 89:26Tatawagin niya ako, 'Ikaw ang aking Ama, aking Diyos, ang bato ng aking kaligtasan.'
Jeremiah 31:33Ngunit ito ang kasunduan na aking itatatag sa sambahayan ng Israel pagkatapos ng mga araw na ito. Ito ang pahayag ni Yahweh. Ilalagay ko ang aking kautusan sa kanilang kalooban at isusulat ito sa kanilang puso, sapagkat ako ang kanilang magiging Diyos at sila ay magiging aking mga tao.
Ezekiel 36:28At titirahan ninyo ang lupain na ibinigay ko sa inyong mga ninuno; kayo ay magiging mga tao ko, at ako ang magiging Diyos ninyo.