John 3:35
Mahal ng Ama ang Anak at ibinigay niya ang lahat sa kaniyang mga kamay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
The Father loveth the Son, and hath given all things into his hand.
In Context
Cross References
Genesis 41:44Sinabi ni Paraon kay Jose, “Ako si Paraon at maliban sa iyo, walang taong magtataas ng kaniyang kamay o kaniyang paa sa lahat ng lupain ng Ehipto. ”
Psalms 2:8Hilingin mo sa akin, at ibibigay ko sa iyo ang mga bansa para sa iyong mana at ang pinakamalalayong mga bahagi ng lupain para sa iyong pag-aari.
Isaiah 9:6Dahil para sa atin, isang sanggol ang isinilang, isang anak na lalaki ang binibigay; at ang kapamahalaan ay nasa kaniyang balikat; at ang pangalang itatawag sa kaniya ay Kahanga-hangang Taga-payo, Makapangyarihang Diyos, Walang-hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.
Matthew 3:17Masdan ito, may isang tinig na mula sa mga langit na nagsasabi, “Ito ang pinakamamahal kong Anak. Lubos akong nalulugod sa kaniya.”
Matthew 17:5Habang siya ay nagsasalita pa, masdan ito, isang nakakasilaw na ulap ang lumilim sa kanila, at masdan ito, may isang tinig na mula sa ulap na nagsasabi, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Makinig kayo sa kaniya.”
Luke 10:22''Ang lahat ng mga bagay ay ipinagkatiwala sa akin mula sa aking Ama, at walang nakakakilala sa Anak maliban sa Ama, at walang nakakakilala sa Ama maliban sa Anak, at kanino man na naisin ng Anak na ipahayag siya.”