John 5:18
Dahil dito, hinangad lalo ng mga Judio na patayin siya sapagkat hindi lamang niya nilabag ang Araw ng Pamamahinga, ngunit tinawag din niya ang Diyos na kaniyang Ama, at ginagawang kapantay ang kaniyang sarili sa Diyos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
17Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang aking Ama ay gumagawa kahit ngayon, at ako rin ay gumagawa.
Cross References
Zechariah 13:7“Espada! Gisingin mo ang iyong sarili labanan mo ang aking pastol, ang lalaki na nakatayo ng malapit sa akin” —Ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo.” Patayin ang pastol, at ang kawan ay magkakawatak-watak! Sapagkat ipipihit ko ang aking kamay laban sa mga mahihina.
John 5:16Ngayon dahil sa mga bagay na ito, inusig ng mga Judio si Jesus sapagkat ginawa niya ang mga ito sa Araw ng Pamamahinga.
John 7:1At pagkatapos ng mga bagay na ito si Jesus ay naglakbay sa Galilea, sapagkat hindi niya gustong pumunta sa Judea dahil ang mga Judio ay nagpaplanong patayin siya.
John 7:22Binigyan kayo ni Moises ng pagtutuli (hindi sa iyon ay nagmula kay Moises, ngunit nagmula sa mga ninuno), at sa Araw ng Pamamahinga tinutuli ninyo ang isang lalaki.
John 8:58Sabi ni Jesus sa kanila, “Tunay nga, sinasabi ko sa inyo, bago ipanganak si Abraham, ay AKO NGA.”
John 10:33Sumagot ang mga Judio sa kaniya, “Hindi ka namin binabato dahil sa anumang mabuting gawain, kundi dahil sa paglapastangan, dahil ikaw na isang tao, ginagawa mong Diyos ang iyong sarili.”