John 8:58
Sabi ni Jesus sa kanila, “Tunay nga, sinasabi ko sa inyo, bago ipanganak si Abraham, ay AKO NGA.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Jesus said unto them, Verily, verily, I say unto you, Before Abraham was, I am.
In Context
57Sabi ng mga Judio sa kanya, “Hindi ka pa limampung taon gulang, at nakita mo na si Abraham?”
59Kaya dumampot sila ng mga bato para batuhin siya ngunit nagtago si Jesus at lumabas ng templo.
Cross References
Exodus 3:14Sinabi ng Diyos kay Moises, “AKO AY SI AKO.” Sabi ng Diyos, “Dapat mong sabihin sa mga Israelita, 'SI AKO ang nagpadala sa akin sa inyo.'”
Isaiah 9:6Dahil para sa atin, isang sanggol ang isinilang, isang anak na lalaki ang binibigay; at ang kapamahalaan ay nasa kaniyang balikat; at ang pangalang itatawag sa kaniya ay Kahanga-hangang Taga-payo, Makapangyarihang Diyos, Walang-hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.
Isaiah 44:6Ito ang sinasabi ni Yahweh - ang Hari ng Israel at kaniyang Manunubos, Yahweh ng mga hukbo: “Ako ang una, at ako ang huli; walang ibang Diyos kundi ako.
Isaiah 46:9Isipin ninyo ang mga unang pangyayari, mga nakaraang panahon, dahil ako ang Diyos, wala ng iba, Ako ay Diyos, at walang ibang katulad ko.
Micah 5:2Ngunit ikaw Bethlehem Efrata, kahit ikaw ay maliit sa mga angkan ni Juda, mula sa iyo ay may darating sa akin upang pamunuan ang Israel, na ang pinagmulan ay sa mga unang panahon, mula sa walang hanggan.
John 8:34Si Jesus ay sumagot sa kanila, “Tunay nga, sinabi ko sa inyo, kung sinuman ang magkasala ay alipin ng kasalanan.