John 6:12
Nang nabusog na ang mga tao, sinabi niya sa kaniyang mga alagad, “Ipunin ang natirang mga pira-piraso, para walang masayang.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Nehemiah 8:10Pagkatapos, sinabi ni Nehemias sa kanila, “Humayo na kayo, kainin ninyo ang taba at kumuha kayo ng matamis na maiinom, at ipadala ang ilan nito sa mga walang naihanda, dahil ang araw na ito ay banal sa ating Panginoon. Huwag kayong magdalamhati, dahil ang kagalakan ni Yahweh ang inyong lakas.”
Proverbs 18:9Sinumang tamad sa gawain ay kapatid sa taong mapanira.
Matthew 15:37Ang lahat ng tao ay nakakain at nabusog. At inipon nila ang mga pagkain mula sa pira-pirasong natira, pitong basket ang napuno.
Mark 8:8Kumain sila at nabusog. At kinuha nila ang mga natirang pinaghati-hati, umabot ang mga ito sa pitong malalaking basket.
Luke 9:17Silang lahat ay nakakain at nabusog, at ang mga tira sa mga pagkain ay pinulot at napuno ang labindalawang basket.
Luke 16:1Sinabi rin ni Jesus sa mga alagad, “May isang mayamang lalaki na may tagapamahala, at isinumbong sa kaniya na nilulustay ng tagapamahalang ito ang kaniyang pag-aari.