John 7:42
Hindi ba sinabi ng mga kasulatan na ang Cristo ay manggagaling sa lahi ni David at mula sa Betlehem, ang nayon kung saan galing si David?”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
43Kaya nagkaroon ng pagbabahagi sa maraming tao dahil sa kaniya.
Cross References
1 Samuel 16:1Sinabi ni Yahweh kay Samuel, “Hanggang kailan ka magluluksa para kay Saul, yamang tinanggihan ko siya mula sa pagiging hari sa Israel? Punuin mo ng langis ang iyong sungay na sisidlan at umalis. Ipapadala kita kay Jesse na taga-Bethlehem, sapagkat pumili ako para sa aking sarili ng isang hari sa kanyang mga anak na lalaki.”
1 Samuel 16:11Pagkatapos sinabi ni Samuel kay Jesse, “Narito ba lahat ng iyong mga anak na lalaki?” Sumagot siya, “Natitira pa ang bunso, ngunit nagpapastol siya ng mga tupa.” Sinabi ni Samuel kay Jesse, “Ipasundo siya; sapagka't hindi tayo uupo hanggang sa dumating siya rito.”
1 Samuel 17:58Sinabi ni Saul sa kanya, “Kaninong anak ka, binata?” At sumagot si David, “Anak ako ng iyong lingkod na si Jesse na taga-Bethlehem.”
Psalms 89:4Itataguyod ko ang iyong mga kaapu-apuhan magpakailanman, at itataguyod ko ang iyong trono sa bawat salinlahi.” Selah
Isaiah 11:1Isang sibol ang magmumula sa ugat ni Jesse, at ang isang sanga mula sa kaniyang ugat ang magbubunga.
Micah 5:2Ngunit ikaw Bethlehem Efrata, kahit ikaw ay maliit sa mga angkan ni Juda, mula sa iyo ay may darating sa akin upang pamunuan ang Israel, na ang pinagmulan ay sa mga unang panahon, mula sa walang hanggan.