John 9:31
Alam natin na ang Diyos ay hindi nakikinig sa mga makasalanan, ngunit kung ang isang tao ay sumasamba sa Diyos at gumagawa ng kaniyang kalooban, siya ay pakikinggan ng Diyos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 18:23Pagtapos lumapit si Abraham at sinabi, “Lilipulin mo ba ang matuwid kasama ang makasalanan?
Genesis 20:7Kaya ibalik mo ang asawa ng lalaki, dahil siya ay isang propeta. Ipananalangin ka niya at mabubuhay ka. Pero kung hindi mo siya ibabalik, alam mo na ikaw at ang lahat ng nasa iyo ay tiyak na mamamatay.”
1 Kings 18:36Ito ang naganap sa oras ng pag-aalay ng pang gabing handog, si Elias na propeta ay lumapit at sinabi, “ Yahweh, na Diyos ni Abraham, ni Isaac, at ng Israel, hayaang malaman sa araw na ito na ikaw ang Diyos sa Israel, at ako ang iyong lingkod, at aking ginagawa ang lahat ng bagay sa iyong salita.
Job 27:8Para saan ang pag-asa ng isang taong walang diyos kapag kinitil siya ng Diyos, kapag kinuha ng Diyos ang kaniyang buhay?
Job 42:8Kaya ngayon, kumuha kayo ng pitong toro at pitong tupa, pumunta kayo sa aking lingkod na si Job, at mag-alay ng handog na susunugin. Ang aking lingkod na si Job ay ipapanalangin kayo, at tatanggapin ko ang kaniyang panalangin, para hindi ko kayo parusahan dahil sa inyong kamangmangan. Hindi ninyo sinabi ang totoo tungkol sa akin, katulad ng ginawa ng aking lingkod na si Job.”
Psalms 34:15Ang mga mata ni Yahweh ay nasa mga matutuwid, at sa kanilang mga iyak nakatuon ang kaniyang pandinig.