John 9:39
Sinabi ni Jesus, “Naparito ako sa mundong ito para sa paghuhukom upang ang mga hindi nakakakita ay makakita, at upang ang mga nakakakita ay maging bulag.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
38Sinabi ng lalake, “Panginoon, sumasampalataya ako.” Pagkatapos, sumamba siya sa kaniya.
Cross References
Isaiah 6:9Sinabi niya, “Humayo ka at sabihin mo sa mga taong ito, makinig man kayo, hindi kayo makauunawa; tumingin man kayo, hindi kayo makakikita.
Isaiah 42:18Makinig kayo, kayong mga bingi; at tumingin, kayong bulag, para kayo ay makakita.
Jeremiah 1:9Pagkatapos, iniabot ni Yahweh ang kaniyang kamay, hinipo niya ang aking bibig at sinabi, “Ngayon, inilagay ko ang aking mga salita sa iyong bibig.
Matthew 11:5Ang mga bulag ay nakatatanggap ng paningin, nakapaglalakad ang mga lumpo, ang mga may ketong ay nagiging malinis, ang mga bingi ay nakaririnig nang muli, ang mga patay ay muling binuhay, at ang mga mahihirap ay nasabihan na tungkol sa mabuting balita.
Luke 1:79upang magliwanag sa kanila na nakaupo sa kadiliman at sa anino ng kamatayan. Gagawin niya ito upang gabayan ang ating mga paa sa daan ng kapayapaan.”
Luke 4:18“Ang Espiritu ng Panginoon ay nasa akin, dahil itinalaga niya ako upang ipangaral ang magandang balita sa mga mahihirap. Isinugo niya ako upang ipahayag ang kalayaan sa mga bihag, at manumbalik ang paningin ng mga bulag, upang palayain ang mga inaapi,