Jonah 4:2
Kaya nanalangin si Jonas kay Yahweh at sinabi, “A, Yahweh, hindi ba ito ang sinabi ko nang bumalik ako sa aking sariling bansa? Kaya nga kumilos muna ako at sinubukang tumakas papuntang Tarsis—dahil alam kong ikaw ay mapagbigay na Diyos, mahabagin, mabagal magalit, sagana sa katapatan, at naaawa kang magpadala ng kapahamakan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
1Ngunit naghinanakit si Jonas, at nagalit siya nang labis.
Cross References
Exodus 32:14Pagkatapos nahabag si Yahweh mula sa kaparusahan na kaniyang sinabi na dapat pahirapan ang kaniyang bayan.
Numbers 14:18banayad si Yahweh kung magalit at sagana sa tipan ng katapatan. Pinapatawad niya ang kasamaan at pagsuway. Hindi siya magpapawalang sala kapag dadalhin niya ang parusa ng kasalanan ng mga ninuno sa kanilang mga kaapu-apuhan, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi.'
Psalms 78:38Gayumpaman, siya ay naging maawain, pinatawad niya ang kanilang labis na kasalanan at hindi sila winasak. Oo, maraming beses niyang pinigil ang kaniyang galit at hindi pinukaw lahat ang kaniyang matinding galit.
Psalms 86:15Pero kayo, Panginoon, ay maawain at mabait na Diyos, matagal magalit, at sagana sa pagiging tapat at mapagkakatiwalaan sa tipan.
Psalms 145:8Mapagbigay-loob at maawain si Yahweh, hindi mabilis magalit at sagana sa katapatan sa tipan.
Jeremiah 20:7Hinikayat mo ako, Yahweh. Tunay nga akong nahikayat. Tinalo at nilupig mo ako. Ako ay naging katatawanan. Araw-araw akong kinukutya ng mga tao, sa lahat ng araw.