Joshua 1:4
Magiging lupain ninyo, mula sa ilang at Lebanon hanggang sa malawak na ilog, ang Eufrates, lahat ng lupain ng mga Heteo, at sa Malawak na Dagat, kung saan lumulubog ang araw.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 23:31Itatakda ko ang iyong mga hangganan mula sa Dagat ng mga Tambo patungo sa Dagat ng Palestina, at mula sa ilang patungo sa Ilog Eufrates. Ibibigay ko sa iyo ang tagumpay laban sa mga naninirahan sa lupain. Palalayasin mo sila sa harapan mo.
Deuteronomy 1:7Umikot at maglakbay kayo at pumunta sa maburol na bansa ng mga Amoreo at sa lahat ng mga lugar na malapit doon sa patag na lambak ng Ilog Jordan, sa maburol na bansa, sa mababang lupain, sa Negev at sa baybayin—sa lupain ng mga Cananeo, at sa Lebanon hanggang sa malaking ilog ng Eufrates.
Deuteronomy 11:24Bawat lugar na lalakaran ng inyong mga talampakan ay mapapasa inyo; mula sa ilang hanggang sa Lebanon, mula sa ilog, ang Ilog Eufrates, hanggang sa kanlurang dagat ay magiging hangganan ninyo.
1 Chronicles 5:9at pasilangan sa simula ng ilang na hanggang sa Ilog Eufrates. Ito ay dahil marami silang baka sa lupain ng Gilead.