Joshua 10:13
Ang araw ay nanatili pa rin, at ang buwan tumigil sa paggalaw hanggang ang bansa ay naghiganti sa kanilang mga kaaway. Hindi ba ito nakasulat sa Ang Aklat ni Jashar? Nanatili ang araw sa gitna ng langit; hindi ito bumaba sa isang buong araw.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 31:2“Ipaghiganti mo ang mga tao ng Israel laban sa mga Midianita. Matapos mong gawin iyon, mamamatay ka at maititipon sa iyong mga tao.”
Joshua 10:14Wala pang nangyari sa anumang araw gaya ng pangyayaring ito dati o pagkatapos nito, nang sinunod ni Yahweh ang salita ng isang tao. Dahil si Yahweh ay nakikipagdigmaan sa kapakanan ng Israel.
Judges 16:28Tinawag ni Samson si Yahweh at sinabi, Panginoong Yahweh, isipin mo ako! Pakiusap palakasin mo akong muli ngayon, O Diyos, para makapaghiganti ako sa isang ihip sa Palestina sa pagkuha nila sa aking dalawang mata.”
2 Kings 20:10Sumagot si Hezekias, “Madali lang para sa anino na humakbang ng sampung beses pasulong. Hindi, hayaang humakbang ang anino ng sampung hakbang pabalik.”
Job 9:7Ito rin ang Diyos na nagsasabi sa araw na huwag sumikat, at ito nga ay hindi sumikat, at siyang nagtatakip sa mga bituin,
Psalms 74:16Ang araw ay sa iyo, at ang gabi ay sa iyo rin; nilagay mo ang araw at buwan.