Joshua 13:14
Ang lipi lamang ni Levi ang hindi binigyan ni Moises ng pamana. “Ang mga handog kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, gumawa sa pamamagitan ng apoy,” ang kanilang pamana, tulad ng sinabi ng Diyos kay Moises.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
15Binigyan ni Moises ng isang pamana ang lipi ni Ruben, angkan sa angkan.
Cross References
Numbers 18:20Sinabi ni Yahweh kay Aaron, “Hindi ka dapat magkaroon ng mana sa lupain ng mga tao, ni dapat magkaroon ng bahagi sa mga ari-arian ng mga tao. Ako ang iyong magiging bahagi at mana sa piling ng mga tao ng Israel.
Numbers 18:24Sapagkat ang mga ikapu ng mga tao ng Israel, na kanilang inialay bilang handog para sa akin—ito ang mga ibinibigay ko sa mga Levita bilang kanilang mana. Ito ang dahilan kung bakit sinabi ko sa kanila, 'Hindi sila dapat magkaroon ng mana sa piling ng mga tao ng Israel.'”
Deuteronomy 12:12Magsasaya kayo sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos—kayo, ang inyong mga anak na lalaki, ang inyong mga anak na babae, ang inyong mga lingkod na lalaki at ang inyong mga lingkod na babae at ang mga Levita na nasa loob ng inyong tarangkahan, dahil wala siyang bahagi o pamana sa inyo.
Deuteronomy 18:1Ang mga pari, na mga Levita, at ang lahat ng lipi ni Levi, ay walang bahagi ni pamana sa Israel; dapat nilang kainin ang mga handog kay Yahweh na gawa sa apoy bilang kanilang pamana.
Joshua 14:3Dahil ibinigay ni Moises ang pamana sa dalawa at kalahating mga lipi sa ibayong Jordan, pero sa mga Levita, wala siyang pamana.
Ezekiel 44:28At ito ang kanilang mana: Ako ang magiging mana nila! Kaya hindi ninyo dapat sila bigyan ng ari-arian sa Israel; Ako ang kanilang ari-arian!