Joshua 21:43
Kaya ibinigay ni Yahweh sa Israel ang lahat ng lupaing ipinangako niyang ibibigay sa kanilang mga ninuno. Inangkin ito ng mga Israelita at nanirahan doon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 12:7Nagpakita si Yahweh kay Abram, at sinabing, “Ibibigay ko ang lupaing ito sa iyong mga kaapu-apuhan.” Kaya nagtayo roon si Abram ng altar para kay Yahweh, na nagpakita sa kaniya.
Genesis 15:13Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Abram, “Alamin mong tiyak na ang iyong mga kaapu-apuhan ay magiging dayuhan sa lupaing hindi kanila, at sila ay gagawing alipin at aapihin sa loob ng apatnaraang taon.
Genesis 28:4Ibigay niya nawa sa iyo ang pagpapala ni Abraham, sa iyo, at sa mga susunod mong kaapu-apuhan, para manahin mo ang lupain kung saan ka naninirahan, na ibinigay ng Diyos kay Abraham.”
Exodus 3:8Bumaba ako para palayain sila mula sa kapangyarihan ng mga taga-Ehipto at dalhin sila mula sa lupaing iyon patungo sa mabuti at malawak na lupain, sa isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot; sa rehiyon ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Hivita, at mga Jebuseo.
Numbers 34:2“Utusan mo ang mga tao ng Israel at sabihin sa kanila, “Kapag papasok kayo sa lupain ng Canaan, ang lupain na mapapasainyo, ang lupain ng Canaan at mga hangganan nito,
Deuteronomy 12:29Kapag winasak ni Yahweh ang mga bansa mula sa harapan ninyo, kapag pumasok kayo para alisan sila ng karapatan, at mapaalis ninyo sila, at maninirahan sa kanilang lupain,