Joshua 21:45
Walang isang bagay sa lahat ng mga mabuting pangako na sinabi ni Yahweh sa bahay ng Israel ang hindi nagkatotoo. Natupad ang lahat ng ito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 23:19Hindi isang tao ang Diyos, na kailangan niyang magsinungaling, o isang tao, na kailangang magbago ang kaniyang isip. Nangako ba siya ng anumang bagay na hindi ito ginagawa? Nagsabi ba siyang gagawin niya ang isang bagay na hindi niya ito tinutupad?
1 Samuel 3:19Lumaki si Samuel, at kasama niya si Yahweh at wala sa kanyang mga salitang inihula ang nabigong magkatotoo.
1 Kings 8:20Tinupad ni Yahweh ang salitang kaniyang sinabi, sapagkat ako ay nagmula sa lugar ni David, na aking ama, at ako ay umupo sa trono ng Israel, gaya ng pinangako ni Yahweh. Ako ay nagtayo ng tahanan para sa ngalan ni Yahweh, na Diyos ng Israel.
1 Kings 8:56“Nawa si Yahweh ay mapapurihan, na nagbigay ng kapahingahan sa kaniyang bayang Israel, na tumutupad ng lahat ng kaniyang mga pangako. Wala ni isang salita ang nabigo sa lahat ng mabuting pangako ni Yahweh na ginawa niya kay Moises na kaniyang lingkod.
Isaiah 48:3“Pinahayag ko ang mga bagay na mula pa dati; lumabas sila sa aking bibig, at hinayag ko sila; at ginawa ko sila, at nangyari sila.
1 Thessalonians 5:24Tapat ang tumawag sa inyo, at siya rin ang gagawa ng mga ito.