The Bible Software
bible.software › Joshua › Joshua 22 › Joshua 22:4

Joshua 22:4

Ngayon si Yahweh na inyong Diyos ang nagbigay ng kapahingahan sa inyong mga kapatid na lalaki, gaya ng ipinangako niya sa kanila. Kaya bumalik kayo at pumunta sa inyong mga tolda sa lupaing pag-aari ninyo, na ibinigay sa inyo ni Moises na lingkod ni Yahweh sa kabilang bahagi ng Jordan.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

And now the LORD your God hath given rest unto your brethren, as he promised them: therefore now return ye, and get you unto your tents, and unto the land of your possession, which Moses the servant of the LORD gave you on the other side Jordan.

In Context

3Hindi ninyo iniwan ang inyong mga kapatid na lalaki sa maraming araw na ito o hanggang sa araw na ito. Sa halip, naging maingat kayo na sumunod sa mga itinagubilin ng mga kautusan ni Yahweh na inyong Diyos.

5Lubos na maging maingat lamang na sundin ang mga kautusan at batas na iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ni Yahweh, na mahalin si Yahweh na inyong Diyos, na lumakad sa lahat ng kaniyang mga pamamaraan, na panatilihin ang mga kautusan, at kumapit sa kaniya at sambahin siya ng buong puso ninyo at ng buo kaluluwa ninyo.”

Read all of Joshua 22

Cross References

Numbers 32:33Kaya ang mga kaapu-apuhan nina Gad at Ruben at pati na rin ang kalahati sa tribu ni Manases na anak na lalaki ni Jose, ibinigay ni Moises ang kaharian ni Sihon, na hari ng mga Amoreo, at Og, na hari ng Bashan. Ibinigay sa kanila ang lupain, at ibinahagi sa kanila ang lahat ng mga lungsod nito kasama ang mga hangganan, ang mga lungsod ng lupaing nakapaligid sa mga ito.

Deuteronomy 3:20hanggang si Yahweh ay magbigay ng kapahingahan sa inyong mga kapatid, gaya ng ginawa niya sa inyo, hanggang sa maging pag-aari na din nila ang lupain na ibibigay sa kanila ni Yahweh na inyong Diyos sa ibayo ng Jordan; pagkatapos ay babalik kayo, bawat isa sa inyo, sa mga sarili ninyong pag-aari na ibinigay ko sa inyo.'

Deuteronomy 29:8Kinuha natin ang kanilang lupain at binigay ito bilang pamana sa mga lipi ni Reuben, sa mga lipi ni Gad, at sa kalahating lipi ni Manasses.

Joshua 13:8Kasama ang ibang kalahating lipi ni Manases, ang mga Rubenita at ang mga Gadita ay nakatanggap ng kanilang mga mana na ibinigay ni Moises sa kanila sa bandang silangan ng Jordan,

Joshua 21:43Kaya ibinigay ni Yahweh sa Israel ang lahat ng lupaing ipinangako niyang ibibigay sa kanilang mga ninuno. Inangkin ito ng mga Israelita at nanirahan doon.

1 Chronicles 22:18“Si Yahweh na inyong Diyos ay kasama ninyo at binigyan kayo ng kapayapaan sa bawat panig. Ibinigay niya sa akin ang lahat ng mga nakatira sa rehiyon. Nasakop ni Yahweh ang rehiyon at ang mga tao nito.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Joshua 22:4

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Joshua 22:3Joshua 22Joshua 22:5 →