Joshua 5:13
Nang malapit na si Josue sa Jerico, tumingala siya at nakita, at masdan ito, isang lalaki ang nakatayo sa kaniyang harapan; hinugot niya ang kaniyang espada at ito at nasa kamay niya. Lumapit si Josue sa kaniya at sinabing, “Ikaw ba ay sa amin o para sa aming kaaway?”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 18:2Tumingala siya at naroon, nakita niya ang tatlong lalaki na nakatayo sa harap niya. Nang makita sila ni Abraham, tumakbo siya mula sa pintuan ng tolda, para salubungin sila at yumukod siya sa lupa.
Genesis 33:1Tumingala si Jacob at masdan, paparating si Esau, at kasama niya ang apatnaraang lalaki. Hinati ni Jacob ang mga bata kina Lea, Raquel at sa dalawang babaeng alipin.
Exodus 23:23Pangungunahan ka ng aking anghel at dadalhin ka niya sa mga Amoreo, Perezeo, Cananeo, Heveo at Jebuseo. Wawasakin ko sila.
Numbers 22:31Pagkatapos, binuksan ni Yahweh ang mga mata ni Balaam, at nakita niya ang anghel ni Yahweh na nakatayo sa daraanan na nakalabas ang kaniyang espadang nasa kaniyang kamay. Iniyuko ni Balaam ang kaniyang ulo at nagpatirapa.
Judges 13:8Pagkatapos nanalangin si Manoa kay Yahweh at sinabi, “O, Panginoon, pakiusap hayaan na muling bumalik ang tao ng Diyos para matuuruan niya kami kung ano ang aming gagawin para sa bata na ipapanganak sa madaling panahon.”
Judges 13:22Sinabi ni Manoa sa kaniyang asawa, “Tiyak na mamamatay tayo, dahil nakita natin ang Diyos!”