Jude 1:12
Ang mga ito ang siyang tinik sa inyong mga pista ng pag-ibig, nagpipista na walang kahihiyan, kumakain lamang para sa kanilang mga sarili. Sila ay mga ulap na walang tubig, tinatangay ng hangin, puno sa taglagas na walang bunga- dalawang beses namatay, binunot sa ugat-
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 7:20sa panahong iyon ay bubunutin ko sila mula sa aking lupain na ibinigay ko sa kanila; at ang tahanang ito na itinalaga ko sa aking pangalan—palalayasin ko ito mula sa aking harapan, at gagawin ko itong kawikaan at isang katatawanan sa gitna ng lahat ng lahi ng tao.
Psalms 1:3Siya ay matutulad sa isang puno na nakatanim malapit sa mga batis ng tubig na namumunga sa panahon nito, na ang mga dahon ay hindi nalalanta; anuman ang kaniyang gawin ay sasagana.
Psalms 78:29Kaya kumain sila at nabusog. Binigay niya ang gusto nila.
Isaiah 56:10Lahat ng kanilang mga bantay ay mga bulag; hindi sila nakakaunawa; silang lahat ay mga asong pipi; sila ay hindi makatahol; nananaginip, nakahiga at mahilig matulog.
Ezekiel 34:2“Anak ng tao, magpahayag ka laban sa mga pastol ng Israel! Magpahayag ka at sabihin sa kanila, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh sa mga pastol. Sa Aba ng mga pastol ng Israel na ipinapastol ang kanilang mga sarili! Hindi ba ang mga pastol dapat ang magbabantay sa kawan?
Ezekiel 34:10Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh, Masdan ninyo! Ako ay laban sa mga pastol, at kukunin ko ang aking kawan mula sa kanilang kamay. At paaalisin ko sila sa pagpapastol ng kawan; Ni maging ang mga pastol ay hindi na magpapastol sa kanilang sarili yamang kukunin ko ang aking kawan mula sa kanilang mga bibig, upang ang aking mga kawan ay hindi na magiging pagkain para sa kanila.