Jude 1:13
marahas na mga alon ng dagat, na bumubulang palabas sa kanilang sariling kahihiyan, gumagala na mga tala—na sa kaitiman ng kadiliman ay nakalaan ang magpakailanman.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 93:3Tumataas ang karagatan, Yahweh; kanilang itinaas ang kanilang mga tinig; ang alon ng karagatan ay nagsasalpukan at dumadagundong.
Jeremiah 5:22Hindi ba ninyo ako kinatatakutan o manginig sa aking harapan? Naglagay ako ng mga buhangin na hangganan sa dagat, isang patuloy na atas na hindi nito nilalabag, kahit na tumataas at bumababa ang dagat, hindi pa rin nito nilalabag. Kahit pa dumagundong ang mga alon nito, hindi nito nilalagpasan. Ito ang pahayag ni Yahweh.
2 Timothy 3:13Ang masasamang tao at ang mga mapagpanggap ay mas lalong lalala. Ililigaw nila ang iba. Sila mismo ay maililigaw.
Revelation 8:10Pinatunog ng ikatlong anghel ang kaniyang trumpeta, at isang napakalaking bituin ang nahulog mula sa himpapawid, nagliliyab tulad ng isang sulo, sa ikatlong bahagi ng mga ilog at mga bukal na tubig.
Revelation 20:10Ang demonyo, na siyang nanlinlang sa kanila, ay itinapon sa lawa ng nasusunog na asupre, kung saan ang halimaw at ang mga bulaang propeta ay itinapon. Sila ay pahihirapan umaga at gabi magpakailan pa man.