Jude 1:19
Ang mga taong ito ay dahilan ng pagkaba-bahagi, pinamumunuan ng makamundong pagnanasa, at wala sa kanila ang Espiritu.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
These be they who separate themselves, sensual, having not the Spirit.
In Context
Cross References
Proverbs 18:1Sinumang ihinihiwalay ang kaniyang sarili ay naghahangad ng sariling kagustuhan at siya ay nakikipagtalo sa lahat ng kaisipang may katuturan.
Ezekiel 14:7Sapagkat ang bawat isa na mula sa sambahayan ng Israel at ang bawat isa na mga dayuhang naninirahan sa Israel na lumayo sa akin, na taglay ang kaniyang mga diyus-diyosan sa kaniyang puso at inilagay ang katitisuran ng kaniyang kasamaan sa harap ng kaniyang sariling mukha, at pupunta sa isang propeta upang hanapin ako—Ako, si Yahweh ang mismong sasagot sa kaniya!
Hosea 9:10Sinasabi ni Yahweh, “Nang natagpuan ko ang Israel, tulad ito ng paghahanap ng mga ubas sa ilang. Tulad ng unang bunga sa panahon ng puno ng igos, natagpuan ko ang inyong mga ama. Ngunit nagpunta sila kay Baal Peor, at ibinigay nila ang kanilang mga sarili sa kahiya-hiyang diyus-diyosang iyon. Naging kasuklam-suklam sila tulad ng diyus-diyosan na kanilang inibig.
Romans 8:9Gayunman, wala na kayo sa laman ngunit nasa Espiritu, kung totoong ang Espiritu ng Diyos ay nananahan sa inyo. Ngunit kung wala sa isang tao ang Espiritu ni Cristo, siya ay hindi kabilang sa kaniya.
1 Corinthians 6:19Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Banal na Espiritu, na siyang namumuhay sa inyo, na inyong tinanggap mula sa Diyos? Hindi ba ninyo alam na hindi na ninyo pag-aari ang inyong sarili?
James 3:15Hindi ito ang karunungang nagmumula sa itaas, sa halip ay makamundo, hindi espiritwal, mula sa diyablo.