Judges 13:3
Nagpakita ang anghel ni Yahweh sa babae at sinabi sa kaniya, “Tingnan mo ngayon, walang kang kakayahang magbuntis, at hindi ka magkaanak, pero mabubuntis ka at manganganak ng isang batang lalaki.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 17:16Pagpapalain ko siya at bibigyan kita ng anak na lalaki sa pamamagitan niya. Pagpapalain ko siya, at siya ang magiging ina ng mga bansa. Ang mga hari ng mga tao ay magmumula sa kanya.”
Genesis 18:14Mayroon bang mahirap para kay Yahweh? Pagsapit ng itinakda kong panahon, sa tagsibol, babalik ako sa iyo. Sa ganitong oras sa susunod na taon, si Sarah ay magkakaroon ng anak na lalaki.
Judges 6:11Ngayon ang anghel ni Yahweh ay dumating at umupo sa ilalim ng igos sa Ofra, na pag-aari ni Joas (ang Abiezrita), habang si Gideon, anak na lalaki ni Joas, ay hinihiwalay ang trigo sa pamamagitan ng paghampas nito sa sahig, sa pigaan ng ubas—para itago ito mula sa mga Midianita.
Judges 13:6Pagkatapos dumating ang babae at sinabi sa kaniyang asawa. “Nagpakita sa akin ang isang tao ng Diyos, at ang itsura ay katulad ng isang anghel ng Diyos, nagdulot siya sa akin ng labis na takot. Hindi ko tinanong kung saan siya galing, at hindi niya sinabi sa akin ang kaniyang pangalan.
Judges 13:10Kaya agad na tumakbo ang babae at sinabi sa kaniyang asawa, “Tingnan mo! Ang tao na nagpakita sa akin—ang nagpunta sa akin noong isang araw!”
2 Kings 4:16Sinabi ni Eliseo, “Sa parehong oras ng taong ito, pagkatapos ng isang taon, makakahawak ka ng isang anak.” Sinabi niya, “Hindi, aking panginoon at lingkod ng Diyos, huwag kang magsinungaling sa iyong alipin.”