Judges 13:5
Masdan, mabubuntis ka at manganganak ng isang batang lalaki. Walang labaha ang gagamitin sa kaniyang ulo, sapagkat magiging Nazareo ang bata na inihandog para sa Diyos mula sa sinapupunan. Sisimulan niyang iligtas ang Israel mula sa kamay ng mga Palestina.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 6:2“Magsalita ka sa mga tao ng Israel. Sabihin mo sa kanila, “Kapag ang isang lalaki o isang babae ay ibinukod niya ang kaniyang sarili kay Yahweh kasama ang isang natatanging panata ng isang Nazareo,
Judges 16:17Kaya sinabi ni Samson sa kaniya ang lahat ng bagay at sinabi sa kaniya, “Hindi pa kailanman naaahitan ng labaha ang buhok sa aking ulo dahil naging isang Nazareo ako para sa Diyos mula sa sinapupunan ng aking ina. Kung ang aking ulo ay aahitan, sa gayon mawawala ang aking lakas, at magiging mahina ako tulad ng ibang tao.
1 Samuel 7:13Kaya nag-api ang mga Filisteo at hindi sila pumasok sa hangganan ng Israel. Laban sa mga Filisteo ang kamay ni Yahweh sa lahat ng araw ni Samuel.
1 Chronicles 18:1Pagkatapos nito, nangyari na sinalakay ni David ang mga Filisteo at tinalo sila. Kinuha niya ang Gat at ang mga nayon nito mula sa pamamahala ng mga FIlisteo.