Numbers 6:2
“Magsalita ka sa mga tao ng Israel. Sabihin mo sa kanila, “Kapag ang isang lalaki o isang babae ay ibinukod niya ang kaniyang sarili kay Yahweh kasama ang isang natatanging panata ng isang Nazareo,
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
1Nagsalita si Yahweh kay Moises. Sinabi niya,
Cross References
Exodus 33:16Dahil kung hindi, paano malalaman na ako ay nakatagpo ng pabor sa iyong paningin, ako at ang inyong bayan? Hindi ba nararapat lamang na sumama ka sa amin para ako at ang iyong bayan ay maiba mula sa lahat ng ibang bayan na nasa ibabaw ng mundo?
Leviticus 27:2“Magsalita ka sa mga tao ng Israel at sabihin sa kanila, 'Kapag gagawa ang isang tao ng isang natatanging panata na nangangailangang gumamit siya ng isang pamantayang halaga ng isang tao na ilalaan niya kay Yahweh, gamitin ang sumusunod na mga halaga.
Numbers 30:3Kapag gumawa ng isang panata kay Yahweh ang isang dalagang naninirahan sa bahay ng kaniyang ama at itali niya ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng isang pangako,
Judges 13:5Masdan, mabubuntis ka at manganganak ng isang batang lalaki. Walang labaha ang gagamitin sa kaniyang ulo, sapagkat magiging Nazareo ang bata na inihandog para sa Diyos mula sa sinapupunan. Sisimulan niyang iligtas ang Israel mula sa kamay ng mga Palestina.”
Judges 16:17Kaya sinabi ni Samson sa kaniya ang lahat ng bagay at sinabi sa kaniya, “Hindi pa kailanman naaahitan ng labaha ang buhok sa aking ulo dahil naging isang Nazareo ako para sa Diyos mula sa sinapupunan ng aking ina. Kung ang aking ulo ay aahitan, sa gayon mawawala ang aking lakas, at magiging mahina ako tulad ng ibang tao.
Proverbs 18:1Sinumang ihinihiwalay ang kaniyang sarili ay naghahangad ng sariling kagustuhan at siya ay nakikipagtalo sa lahat ng kaisipang may katuturan.