Mga Hukom 17:4
Nang ibinalik niya ang pera sa kaniyang ina, kumuha ng dalawang daang pirasong pilak ang kaniyang ina at ibinigay sa isang manggagawa ng metal na nag-uukit ng anyo ng kahoy at isang hinulmang anyo ng metal. Nakalagay ito sa bahay ni Mica.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 27:15'Nawa'y isumpa ang taong gumagawa ng isang inukit o hinulmang anyo, isang bagay na nakasusuklam kay Yahweh, ang gawa ng mga kamay ng isang manggagawa lalaki, at siyang naglagay nito ng palihim.' At lahat ng mga tao ay dapat sumagot at magsabi ng, 'Amen.'
Isaiah 46:6Sila ay nagbuhos ng ginto mula sa supot at nagtitimbang ng pilak sa timbangan. Sila ay umuupa ng isang panday, at ginagawa niya ito ng isang diyos; sila ay nagpapatirapa at sinasamba ito.
Habakkuk 2:18Ano ang pakinabang mo sa inukit na anyo? Sapagkat ang taong nag-ukit nito, o siyang gumawa ng anyo mula sa nilusaw na metal ay tagapagturo ng kasinungalingan; dahil nagtitiwala siya sa kaniyang sariling gawa nang ginawa niya ang mga piping diyos na ito.