Isaiah 46:6
Sila ay nagbuhos ng ginto mula sa supot at nagtitimbang ng pilak sa timbangan. Sila ay umuupa ng isang panday, at ginagawa niya ito ng isang diyos; sila ay nagpapatirapa at sinasamba ito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
5Kanino ninyo ako itutulad? at kanino ninyo ako ipaparis, para kami ay ihambing?
Cross References
Exodus 32:2Kaya sinabi ni Aaron sa kanila, “Kunin ninyo ang mga gintong hikaw sa mga tainga ng inyong mga asawa at sa mga tainga ng inyong mga anak na lalaki at sa mga anak na babae at dalhin ang mga ito sa akin.
Exodus 32:8Mabilis silang umalis sa daan na aking inutos sa kanila. Nagmolde sila para sa kanilang sarili ng isang guya at sumamba dito at naghandog dito. Sinabi nila, 'Israel, “Ito ang inyong diyos na nagdala palabas sa lupain ng Egipto.”
Judges 17:4Nang ibinalik niya ang pera sa kaniyang ina, kumuha ng dalawang daang pirasong pilak ang kaniyang ina at ibinigay sa isang manggagawa ng metal na nag-uukit ng anyo ng kahoy at isang hinulmang anyo ng metal. Nakalagay ito sa bahay ni Mica.
Psalms 115:7Mayroon silang mga kamay, pero hindi sila nakakaramdam; mayroon silang mga paa, pero hindi sila nakakalakad; ni hindi nila magawang magsalita sa kanilang mga bibig.
Isaiah 40:19Isang diyus-diyusan! Isang mahusay na manggagawa ay hinubog ito: ang panday-ginto ay pinapatungan ito ng ginto at dinikitan ito ng pilak na kuwintas.
Isaiah 44:12Ang panday ay gumagawa sa pamamagitan ng kaniyang mga kagamitan, naghuhulma ito, gumagawa sa init ng nagbabagang bato. Gamit ang maso at kaniyang malalakas na bisig hinubog niya ito. Siya ay nagugutom, at ang kaniyang lakas ay nawawala; siya ay hindi umiinom ng tubig at nanghihina.