Mga Hukom 20:5
Nang gabing iyon, nilusob ako ng mga pinuno ng Gidea, pinalibutan ang bahay at tinangkang patayin ako. Sinunggaban at ginahasa ang aking isa pang asawa, at siya ay namatay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 18:24Huwag ninyong dungisan ang inyong mga sarili sa mga paraang ito, sapagkat sa lahat ng mga paraang ito nadungisan ang mga bansa, mga bansang itataboy ko mula sa inyong harapan.
Joshua 7:15Mangyayari ito na ang isang taong nahuli at kung sino ang may mga bagay na ibinukod para sa pagkawasak, susunugin siya, siya at lahat ng mayroon siya, dahil winasak niya ang tipan ni Yahweh at dahil nakagawa siya ng isang kahiya-hiyang bagay sa Israel.”'
Judges 19:25Pero ayaw makinig sa kaniya ng mga kalalakihan, kaya kinuha ng lalaki ang kaniyang isa pang asawa at inilabas siya sa kanila. Kinuha siya nila, ginahasa siya, at inabuso siya nang buong magdamag, at hinayaan nila siyang umalis ng madaling araw.
Ezekiel 22:10Ang kahubaran ng isang ama ay inilantad sa iyo. Inabuso nila ang maruming babae sa kalagitnaan ng kaniyang pagreregla.